-- Advertisements --


Interesado ang 30 pribadong paaralan sa pag-apply sa “study now, pay later” program ng Land Bank of the Philippines, base sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Sa kanyang 12th report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Duterte, na ang mga paaralan na ito, na karamihan ay nasa labas ng Metro Manila, ay interesado na mag-avail ng Access to Academic Development to Empower the Masses Toward Endless Opportunities (Academe) program ng Landbank

Ayon sa Pangulo, P250 million halaga ng loan application na ang inaprubahan ng Landbank sa ilalim ng naturang programa.

Samanatala, apat na paaralan naman ang nakapagsumite na ng ilan sa mag requirements para sa naturang loan.

Nabatid na P3 billion ang pondong inilalaan ng Landbank para sa Academe lending program nila.

-- Advertisement --

Inilunsad ito noong nakaraang buwan sa gitna ng COVID-19 lockdown sa layunin na matiyak na patuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng krisis bunsod ng pandemya.

Umaapela si Pangulong Duterte sa mga pribadong paaralan na payagan ang staggared payment ng tuition sa ginta ng economic effects ng COVID-19 pandemic.