-- Advertisements --

Nasira ang 30 porsyento ng power stations sa Ukraine dahil sa isinagawang missile attack ng Russia.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang insidente ay isang uri ng terorismo.

Dahil dito ay nagdulot ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente sa Ukraine.

Magugunitang nasa tatlong lungsod ng Ukraine ang tinamaan ng missile strike ng Russia.