-- Advertisements --
MMDA STREET SWEEPERS

Nakatakdang magpatupad ng “30-minute heat stroke break” ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga field personnel nito ngayong panahon ng matinding tag-init.

Ito ay hakbang ng kagawaran para proteksyunan ang mga tauhan nito na palaging bilad sa araw mula sa mga sakit na dulot ng matinding init ng panahon tulad ng heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps.

Magsisimula ang pagpapatupad nito mula sa Abril 1 hanggang Mayo 31, alinsunod sa nilagdaang memorandum circular ni MMDA acting chairman Romando Artes.

Sakop ng kautusang ito ay ang mga traffic enforcers, at street sweepers na pahihintulutang umalis pansamantala sa kanilang mga puwesto para sumilong at magpahinga mula sa init ng sikat ng araw sa loob ng 30 minuto upang magpalamig muna ng katawan.

Habang papayagan din ang mga ito na magkaroon ng dagdag na 15-minute break time sakaling pumalo sa 40 degrees Celsius pataas ang heat index o human discomfort index sa Metro Manila.

Samantala, rotational ang magiging pagpapatupad ng naturang heat stroke break araw-araw batay sa mga sumusunod:

Para sa mga traffic enforcers:
5 a.m. to 1 p.m. shift – heat stroke break from 10 a.m. to 10:30 a.m. or 10:30 am to 11 a.m.
1 p.m. to 9 p.m. shift – heat stroke break from 2:30 p.m. to 3 p.m. or 3 p.m. to 3:30 p.m.
6 a.m. to 2 p.m. shift – heat stroke break from 11 a.m. to 11:30 am or 11:30 am to 12 noon
2 p.m. to 10 pm shift – heat stroke break from 3 p.m. to 3:30 p.m. or 3:30 p.m. to 4 p.m.

Habang para naman sa mga street sweepers:

6 a.m. to 2 p.m. shift – heat stroke break from 11 a.m. to 11:30 a.m. or 11:30 a.m. to 12 noon
7 a.m .to 4 p.m. shift – regular break time from 12 noon to 1 p.m.
11 a.m .to 7 p.m. shift – heat stroke break from 2:30 p.m. to 3:00 p.m. or 3:00 p.m. to 3:30 p.m.