30 milyong Pilipino ang inaasahang magkakaroon ng bahay sa 2028 sa pamamagitan ng programang pabahay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pagbanggit sa year-end report ng administrasyon, sinabi ng Office of the Press Secretary na ang programa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na Pambansang Pabahay para sa Pilipino, na naglalayong tugunan ang backlog ng pabahay sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng disente at sustainable na mga bahay, ay nakikita na makikinabang ang humigit-kumulang 30 milyong Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng 6.15 milyong housing units sa loob ng anim na taon.
Sa pagitan ng paglulunsad ng programa noong Setyembre hanggang Disyembre 22, ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ay pumirma ng mga memorandum ng pagkakaunawaan kasama ang mga 47 local government units para tumulong sa paggawa sa housing initiative.
Dagdag dito, si Pangulong Marcos ay inaasahang maglalabas din ng executive order sa pagpapatupad ng batas na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na “magsama-samang tukuyin ang mga idle state lands na angkop para sa pabahay at rural development.
Nauna nang inamin ng pangulo na ang pagtatayo ng isang milyong low-cost housing units kada taon hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino ay isang “ambitious target”.
Gayunpaman, nangako pa din na ang kanyang administrasyon ay maggiging masikap upang ito ay maisakatuparan.