Aabot sa kabuuang 30 insidente ang naitala ng Philippine National Police sa kasagsagan ng paggunita ng panahon ng Semana Santa.
Batay ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Pambansang Pulisya, mula noong Marso 25, 2024 hanggang Marso 30, 2024 ay pinakamarami sa naitalang insidente ng kapulisan ay drowning o pagkalunod na mayroong 22 biktima na may edad na limang taong gulang hanggang 65 taong gulang mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas kung saan 19 ang patay at tatlo naman ang sugatan.
Nakapagtala rin ang PNP ng tatlong insidente ng aksidente sa kalsada na mayroong limang biktima, kung saan dalawa ang patay at tatlo rin ang sugatan.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng kapulisan na sa kaparehong panahon ay mayroong ding dalawang insidente ng robbery ang napaulat at limang biktima ng child abuse.