-- Advertisements --

Nakatakdang imbestigahan ng Bureau of Corrections ang 30 nilang tauhan matapos masangkot sa Money Handling Scheme.

Nasa P300,000 ang nakumpiska sa mga jail guards na ipinapatago ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Sinabi ni Bureau of Corrections Officer in Charge Gregorio Catapan Jr. ns inaalam pa nila kung saan gagamitin ng mga PDLs ang nasabing pera dahil pinapayagan lamang na tumanggap ng P2,000 kada araw ang mga ito.

Dagdag pa ni Catapang na magkakaroon ng reporma hinggil sa polisiya ng pagpapadala ng pera sa mga bilanggo sa loob ng penal farms ng Bucor.