BOMBO DAGUPAN – Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos itong atakihin ng dalawang kalalakihan sa isang resto bar sa lungsod ng San Carlos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt.Col. Jose Abaya, II, Chief of Police ng San Carlos City Police Station, kinilala ang biktima na si Samuel Cabuang de Vera, may live-in partner, may-ari ng isang negosyo, at residente ng Brgy. Bolosan, sa naturang lungsod.
Sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na bago nangyari ang insidente ay nakatayo na mag-isa ang biktima sa entrance ng resto bar nang bigla itong nilapitan ng dalawang suspek na kinilalang sina Carlo Esperanza, 25-anyos, at si Jojo Lomibao, 27-anyos, kapwa residente ng Brgy. Pagal, sa kaparehong lungsod, at walang anu-ano’y biglang pinagbobogbog ang biktima.
Dahil dito ay natumba ang biktima at nabagok ang ulo sa sahig.
Kaagad naman itong naitakbo sa pinakamalapit na pagamutan subalit namatay din.
Agad namang naaresto ang mga suspek at nahaharap sa kasong homicide.