CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng malaking sunog sa bulubunduking bahagi ng Brgy Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental.

-- Advertisement --

Sinabi ni Misamis Oriental Provincial Fire Marshall Supt. Greg El Bambo, na umabot sa 30 hanggang 50 ektarya ang nilamon ng apoy.

Aniya naging pahirapan sa kanila ang pag imbestiga sa pinagmulan ng sunog dahil tikom ang bibig ng mga residente ngunit may natanggap na impormasyon na may nagkakaingin sa lugar.

Pinasalamatan naman ni El Bambo ang lahat ng pribadong individual na tumulong sa pagpatay ng apoy.

Napag-alamang nadamay sa sunog ang mga fruit trees na nagkakahalaga ng P10-milyon.