-- Advertisements --

Naitala ang tatlong volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 oras, ayon yan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Kabilang sa mga pagyanig ng bulkan ay isang lindol na tumagal ng limang minuto.

Naobserbahan din ang isang light vog sa bulkan.

Sinabi ng PHIVOLCS na mayroon pa ring pagtaas ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake. Kaya naman nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

Samantala, tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na hindi kakapusin sa suplay ng isda ngayong Oktubre hanggang sa katapusan ng taon sa Ilocos Norte.

Kasabay nito ang patuloy na pagbibigay nila ng suporta sa fish farmers sa lalawigan sa paraan ng pagbibgay ng fingerlings at fish cages.

Iginiit ni Vanessa Abegail Dagdagan ng BFAR sa Ilocos Norte na may mga ginagawa silang hakbang para maparami ng suplay ng isda sa lalawigan. Gaya nalamang ng Tilapia-Shrimp polyculture.

Nauna nang iniulat na nagsagawa ng GMP o Good Manufacturing Practices training sa isang Firsh Farm sa bayan ng Pasuquin na dinaluhan naman ng ilang residente.