Hindi pa huli para matupad ang pangarap na makapag-aral para sa tatlong senior citizens na residente ng Taguig City na sumailalim sa Alternative Learning System.
Ang tatlong seniors ay nakapagtapos ng elementary at high school ay nakilalang sina: Mwusews Anthony Mari Diaz,82-anyos; Luvisminda Fajardo,73-anyos at ang 63-year-old na si Erlinda Dejumo.
Sila ay kabilang sa 1,285 na mga estudyante na grumadweyt nuong Sabado, September 10,2022.
“Anuman ang iyong edad, posible pa ring makatapos ng pag-aaral,” ayon kay Ginoong Mwusews, na kinilalang pinakamatanda sa pumasa sa ALS na grumadweyt sa junior high school education at si Erlinda, habang si Luvisminda ay nakatapos ng elementarya.
Aminado ang tatlong seniors na hindi madali ang kanilang desisyon na mag-aral, subalit dahil sa kanilang determinasyon natupad nila ito.
Ayon kay Mwusews ang pagiging matanda ang isa sa naging balakid sa kanilang pag-aaral lalo na kailangan niyang mag-adopt sa paggamit ng mga bagong teknolohiya.
Sa panig naman ni Luzminda, nahirapan siya sa pag-intindi sa mga modules, gayunpaman di siya nawalan ng pag-asa at nag-aral pa rin sa tulong ng kaniyang mga guro, mga anak at apo.
Habang si Erlinda naman na isang registered masseuse at ukay-ukay vendor, na ang pagiging mahirap ang naging hadlang dahilan hindi siya nakapag-aral, kaya nagpasalamat siya sa Taguig LGU na hindi hadlang ang pagiging mahirap dahil sagot nila ang educational expenses ng kanilang mga estudyante.
Lubos na nagpasalamat sina Mwusews, Luvisminda at Erlinda sa pamahalaang lokal ng Taguig na tumulong sa kanila para i-overcome ang kanilang struggles sa pag-aaral.
Pinuri at binati ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang mga grumadweyt sa ALS.
“Sana wag kayo tumigil sa araw na ito. Sapagkat kayo man ay grumaduate, simula pa lang ng journey ninyo sa buhay,” wika ni Mayor Lani.
Inanunsiyo naman ng alkalde na ang pondo ng pamahalaang lokal ng Taguig para sa ALS project ay tumaas pa.
Inihayag din nito ang pormal na paglulunsad sa ALS Senior High School program sa Taguig Integrated School, na makapagbibigay ng oportunidad sa lahat na ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral ng sa gayon makamit nila ang mas mataas na edukasyon.
Ayon naman kay Dr. Daisy Mataac, education program supervisor in charge of ALS in the Division of Taguig and Pateros, na ang Taguig government ang siyang mag shoulder sa honorarium ng mga ALS teachers at siyang magbibigay ng pondo para sa ALS-related materials and programs gaya ng graduation rites.
“Some of our graduates are now professionals We have five teachers. They’re now employed in Taguig public schools,” pahayag ni Mataac.
Prayoridad ng Taguig government ang edukasyon ng kanilang mamamayan.
Sa pag-upo ni Mayor Lani sa kaniyang unang termino sa pwesto tinaasan nito ang Scholarship Program mula sa P5 million ginawa nitong P100 million.
Para sa taong 2022, tumaas na ang budget para sa scholarship program ng siyudad kung saan umabot na ito sa P750 million.
Nasa 10 ibat ibang scholarship program ang ibinibigay ng Taguig sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors in Need (LANI) Scholarship program sa mga qualified college students,kabilang na yuong mga nag-aaral para professional board exams.
Sa nasabing siyudad, ang mga estudyante mula sa science schools ay makakatanggap ng monthly allowances.
Ang mga Honor graduates ay makakatanggap ng incentives mula P2,500 hanggang P30,000.
“Ang kaalaman na nakuha ninyo sa ating ALS program ay gamitin ninyo para mapaunlad ang inyong mga sarili at inyong pamilya,” pahayag ni Mayor Lani.