-- Advertisements --

Nagtamo ng sugat sa kanilang iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tatlong katao matapos ang naganap na sunog sa residential area sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Sinabi ni Fire Chief Inspector Joseph Del Mundo ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), isang junk shop at dalawang bahay ang nasunog nitong madaling araw ng Miyerkules.

Itinaas pa sa ikalawang alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Tuluyan namang naapula ang sunog ng mahigit isang oras.