-- Advertisements --

Inamin ni Dr. Lulu Bravo, Chairman ng National Adverse Events Following Immunization Committee at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination na kakaunti lamang ang bilang ng mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine na nakaranas ng mild adverse effects.

Ayon kay Bravo, sa mahigit 3 million Pilipino na nabakunahan na kontra COVID-19 ay tatlong porsiyento lamang ang nag-ulat na nakaranas ng mild adverse effects.

Kaugnay nito, nagbigay na rin aniya sila ng rekumendasyon sa Department of health (DOH) kung paano mag-screen para maiwasan pa ang ilang adverse event.

May ilang kasi aniya na nalilito dahil ang kanilang nararamdaman pala matapos mabakunahan ay dahil sa kanilang existing condition ay hindi bunsod ng itinurok na COVID-19 vaccine.

Kasabay nito ay nananawagan si Bravo sa publiko na huwag nang mamili ng bakuna dahil lahat ng mga ginagamit na COVID-19 vaccines sa kasalukuyan ay ligtas at epektibong gamitin dahil dumaan ang mga ito sa masusing clinical trials at mahabang pag-aaral.

Nauna nang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag nang mamili ng bakuna dahil mayroong prosesong sinusunod ang pamahalaan para rito.