Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) pa rin ang tatlo mula sa pitong tripulanteng Pilipino ng Maltese-flagged vessel na MV San Antonio, na nasugatan sa drone attack ng Iran sa Strait of Hormuz noong Mayo 5.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cadac, ang apat na Pilipinong crew members ay minor cases habang ang tatlo naman na nasa ICU ay stable na ang kanilang vital signs.
Iniulat din ng kalihim na isa sa crew na nagtamo ng matinding injuries ay “extubated” na o nakakaya ng huminga ng sarili niya.
Sa ngayon, tumanggi muna ang kalihim na ilahad ang ospitaal na kinaroroonan ng mga tripulanteng Pilipino para na rin sa kanilang seguridad.
Tiniyak naman ni Secretary Cacdac na mayroong Philippine Ambassador, Migrant Office, Labor Attache at OWWA officer sa bansa kung saan nagpapagaling ang mga Pilipinong tripulante para i-monitor ang kanilang kalagayan.
















