-- Advertisements --
Nakarating na sa International Space Station ang mga Russian cosmonauts na nakasuot ng kulay na kahalintulad ng bandila ng Ukraine.
Ang nasabing pagsusuot ng mga cosmonaut ay bilang pagkontra nila sa pananakop ng Russia sa Ukraine.
Sinalubong sila ng mga yakap ng mga nasa ISS na mga crew na mga Americans, Germans at Russians.
Ang ISS ay joint project sa pagitan ng Russia, America, Canada, Japan at ilang mga bansa sa Europa.
Umabot ng mahigit tatlong oras mula ng lumipad sa blasting site sa Kazakhstan ang sasakyan na lulan ng mga cosmonauts na sina Denis Matveyev, Oleg Artemyev at Sergey Korsakov.