Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army ang napatay ng tropa ng gobyerno sa isang engkwentro sa Butuan City, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Sa isang pahayag kinumpirma ito ng Eastern Mindanao Command (EastMInCom) at sinabing naganap ang engkwentro sa Mt Apo-Apo, Sitio Dugyaman, Brgy. Anticala, Butuan City, noong Hunyo 16.
Ang naturang enkwentro ay nagresulta sa pagkamatay ng isang lalaki at dalawang babae na umano’y miyembro ng kumunistang grupo ng New Peoples Army.
Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ang pangalan ng tatlong nasawi.
Nakuha sa pangangalaga ng tatlong napatay ang limang AK47 rifles, apat na AR18 rifles, tatlong M4 rifles , dalawang M203 grenade launchers, M16 rifle at ilang mga dokumento
Batay naman sa datos ng Eastern Mindanao Command , umabot na sa 201 na miyembro ng komunistang grupo ang na neutralized ng kanilang hanay.