VIGAN CITY – Kumpirmadong pare-parehong Chinese nationals ang mga persons under investigation dahil sa 2019 novel coronaviris – acute respiratory disease sa Region 1.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni Dr. Valeriano Lopez, director ng Department of Health- Region 1.

Sa ngayon, ayon kay Lopez, naka-isolate na umano ang mga nasabing Chinese nationals na nagkalagnat nang dumating sila sa rehiyon kaya nagpakonsulta sa kanila at kalaunan ay na-confine.

Kasabay nito, hinimok din ng nasabing health official ang publiko na iwasan na ang pagpapakalat ng fake news upang hindi magpanic at matakot ang karamihan hinggil sa nasabing sakit.

Maganda umanong maging alerto sa lahat ng pagkakataon at ugaliin ang paglilinis ng katawan upang maiwasan ang nCov at iba pang virus na nagdudulot ng sakit sa tao.

-- Advertisement --