CAGAYAN DE ORO CITY -Hindi na umaabot na makapagdiriwang ng kapaskuhan ang tatlong kalalakihan na nasagkot madugo na aksidente sa syudad ng Malaybalay, Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Malaybalay City Police Station commander Lt Col Jerry Tambis ang mga biktima na sina Noel Wabe,blegal na edad na residente sa bayan ng Initao,Misamis Oriental; John Mar Ceniza,24 at Tirso Guinanas,47,may asawa na parehong residente sa Brgy Patpat sa nabanggit na bahagi ng Bukidnon.
Inihayag ni Tambis na nakasalubong ni Wabe habang sakay ng motorsiklo ang truck na pagmay-ari ng electric cooperative na minaneho ni Robert Elona sa Barangay Kalasungay kaya nag-resulta ng madugo na aksidente.
Nagka-head collision naman ang isang pribadong sasakyan na minaneho ni Epefanie Duplayna na taga-Brgy Iponan ng Cagayan de Oro City at ang motorsiklo na minaneho ni Cineza habang backride si Guinanas sa bahagi ng Barangay Patpat.
Kuwento pa umano ni Duplayna na nawalan ng kontrol ang minaneho nito na sasakyan kaya nagkabanggaan sila ng mga biktima.
Kapwa dinala ang mga biktima sa hiwalay na road crashed sa pagamutan subalit pareho namang dead on arrival.
Kakaharapin ng mga suspek ang mga kasong kriminal resulta ng madugo na pangyayari.