-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Jacksonville, Florida.

Naganap ang insidente malapit sa Edward Waters University.

Ang mga ito ay biktima umano ng ‘racial discrimination’ na kinasasangkutan ng hindi pa kilalang suspek.

Batay sa imbistigasyon ng mga otoridad nasa 20 anyos na lalaking gunman ang pumasok sa isang Dollar General store na naka tactical vest na may dalang AR-style rifle at handgun.

Ayon kay Jacksonville Sheriff T.K Waters target umano ng naturang suspek ang mga grupo ng mga black people.

Nagpakamatay din ang suspek matapos ang engkwentro sa mga pulis.

Sinabi ni Sherri Onks, special agent in charge of the FBI’s Jacksonville office, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.

Tinuturing naman ang karahasang ito ni Florida State Sen. Tracie Davis na “tragic day” sa siyudad at hindi aniya katangap-tangap sa kanilang kumunidad. (Report by : Bombo Tropio Anuada)