-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang 50 ang sugatan matapos madiskaril ang Amtrak sa Missouri.
Ayon kay Cpl. Justin Dunn,tagapagsalita ng Missouri State Highway Patrol Troop B, na dalawa sa mga biktimang nasawi ay pasahero habang ang isa ay lulan ng dump truck kung saan nabangga ng train.
Naganap umano ang aksidente sa masukal na intersection na walang anumang warning lights o motion gates.
Walong bagon ng Amtrack ang nawalan sa riles na tumama sa dump truck.
Nasa 243 na pasahero at 12 crew ang lulan ng nasabing train.