-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang 11 kabilang ang isang bata ang sugatan sa patuloy na pagpapaulan ng missile ng Russia sa Donetsk city sa Ukraine.
Ayon kay Donetsk People’s Republic (DPR) head Denis Pushilin na tumama ang mga missile ng Russia sa Kyivskyi, Voroshilovskyi and Kuibyshevskyi districts.
Labis na natamaan ang mga gusali na kinaroroonan ng mga sibilyan.
Malaki ang paniniwala nito na gumamit ang Russia ng mga tinatawag na cluster bombs.
Bukod pa sa lugar ay tinamaan rin ng magkasunod na Russian missiles ang Pokrovsk city kung saan ilang sibilyan ang nasugatan sa insidente.