-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang sugatan ang anim na iba pa matapos ang missile attack ng Russia sa Kherson City, Ukraine.
Tumama ang nasabing missile attack sa bodega, pagamutan, bus station at school playground.
Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Itinuturing ni Russian President Vladimir Putin na bahagi na nila ang Kherson matapos ang kanilang pananakop subalit umalis na ang kaniyang mga sundalo doon.










