NAGA CITY- Patay ang tatlo katao habang tinatayang mahigit 30 katao naman ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong bus at truck sa Sta. Catalina, Atimonan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na papuntang Bicol ang naturang bus habang patungong Manila naman ang kasalubong na truck.

Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga pasahero ng bus na agad naman itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.