NAGA CITY- Patay ang tatlo katao habang sugatan naman ang hindi bababa sa labing dalawang indibiwal matapos araruhin ng isang delivery truck ang 10 sasakyan at isang bahay sa Brgy. Angeles, Tayabas City.
Kinilala ang suspek na si Jeffrey Melchor, driver ng nasabing truck at ang mga kasama nito na sina Junathan Bacximen at Jerwin Mendoza.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng naturang delivery truck ang kahabaan ng Quezon Avenue, sa Tayabas City ng aksidenteng mawalan ito ng kontrol sa kanyang manebela.
Nabatid na una nitong nabangga ang isang elf truck na minamaneho ni Leonilo Sumilang kasama si Robin Katigbak.
Sumunod naman ang isang bahay ng kinilalang si Digna Narzabal at ang 10 pang mga saksakyan.
Kaugnay nito, aabot sa mahigit 12 katao ang sugatan kasama na ang isang 12-anyos na menor de edad, kung saan agad naman ang mga itong isinugod sa ospital.
Samantala dahil sa lakas ng impact ng nasabing aksidente ay naipit pa ang mismong driver at dalawang kasamahan nito sa loob ng naturang truck.
Nabatid na naisugod pa umano ang nasabing suspek sa ospital ngunit dineklara na itong dead on arrival ng mga doctor.
Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.