-- Advertisements --
Tatlo pang pinaniniwalaang biktima ng human trafficking na nagpanggap na mga turista ang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Bureau of Inmigration, ang naturang mga pasahero ay patungo sana ng Laos via Bangkok.
Umamin din ang mga pasahero na sila ay magtatrabaho sana bilang customer service representatives sa isang kumpanya sa Laos at sila ay pingakuan ng suweldong P30,000 to P40,000 kada buwan.
Ayon kay BI travel control and enforcement unit (TCEU) head Ann Camille Mina, nagprisinta rin ang mga biktima ng pekeng employment documents.
Ang 3 pasahero ay hawak na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon at sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang illegal recruiters.