
Sumuko na sa mga awroridad ang 3 opisyal nh Bureau of Corrections na inisyuhan ng warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa direct bribery o direktang panunuhol.
Ang mga sumukong opisyal ay sina armory chief Alex Hizola, Corrections Officer Arcel Acejo Janero, at Corrections Officer Henry Escrupolo sa hangaring makapagpiyansa ng P60,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa BuCor, kinasuhan ng direct bribery ang 3 opisyal matapos maaresto ang mga ito noong Setyembre dahil sa pag-demand ng pera kapalit ng pag-isyu ng mga baril sa isang correction officers.
Kung saan nahuli sa akto si Hanero na tumatanggap ng P6,500 kapalit ng issuance ng maliit na klase ng baril sa ikinasang entrapment operation.
Sa pag-uusig sa opisyal, sinabi ni Janero na kaniyang iti-turn over ang naturang pera kay Corrections officer Escrupolo.
Nadiskubre din ng mga awtoridad ang palitan ng text messgae sa pagitan nina Escrupolo at Hizola kaugnay sa pag-isyu ng baril.
Kaugnay nito, nagbabala si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na magsisilbi ito bilang warning at halimbawa sa lahat ng BuCor personnel na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain sa loob ng kanilang ahensiya at ipagpapatuloy ang pagpuksa sa mga katiwalian sa ahensiya.










