-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagising na sa maling pinaglalaban kaya sumuko sa mga otoridad ang tatlong mga myembyo ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Kidlat,alyas Jan Heart at alyas Kulot,mga residente ng Barangay Bai Sarapinang Bagumbayan Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Tom Tuzon na ang tatlong mga NPA ay sumuko sa pinagsanib na pwersa ng Bagumbayan MPS, 1202nd Maneuver Company, Regional Moblie Force Battalion 12; Tracker Team Charlie and Delta, RID 12; RIU 42nd, 43rd SAC, 4SAB at PIB Sultan Kudarat Provincial Police Office sa Sitio Spur 2 Barangay Titulok Bagumbayan Sultan Kudarat.

Ang tatlong mga rebelde ay mga myembro ng Platoon Arabo ng Guerilla Front DAGUMA Far South Mindanao Region (FSMR).

Dala sa pagsuko nito ang mga matataas na uri ng mga armas,mga bala,mga magasin at mga pampasabog.

Pinasalamatan naman ni Police Regional Office (PRO-12) Regional Director Bregadier General Alexander Tagum ang mga lokal na opisyal sa bayan ng Bagumbayan na tumulong sa pagsuko ng mga NPA habang pinuri nito ang mga sundalo at mga pulis.

Sa ngayon ay pino-proseso na ang karagdagang tulong sa mga rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o (E-CLIP) ng pamahalaan.