CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong mga pinaghinalaan na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nakumpiska ang ilang matataas na kalibre ng mga baril at ibang kagamitang pandigma sa Barangay Plaridel,Claveria,Misamis Oriental.
Kaugnay nito sa sunod-sunod na opensiba ng 58th Infantry Batallion,Philippine Army laban sa 10 kasapi ng Guerilla Front Huawei ng Sub-regional Committee 1 ng North Central Mindanao Regional Committee sa lugar kahapon.
Ayon kay 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr na kinilala ang mga nasawi na sina Agay Taquin alyas Kerby,vice commander ng Platoon Falcon,SRC 1;Andrew Odiongan alyas Dave,political instructor ng SR SDG Eagles ng SRC at Joan Pajardo alyas Amirgo,pinuno ng Squad 1 B ng Guerilla Front Huwaei.
Samantala,iginiit ng militar na walang anumang casualty mula sa kanilang panig nang mapasok nila ang nagsilbi na hideout ng mga rebelde.
Sa ngayon,dinala na lahat ang mga bangkay ng mga rebelde sa kanilang pamilya para mabigyan ng desente na paglibing sa bayan ng Balingasag nitong lalawigan.