-- Advertisements --

Dalawang miyembro ng local terrorist group at isang sundalo ang nasawi sa inilunsad na operasyon ng militar kaninang madaling araw sa Lanao del Sur.


Ito ang kinumpirma ni Philippine Army 1st Infantry Division Spokesperson Capt. Mary Jepte Mañebog.

Sinabi ni Mañebog, isang sundalo din ang nasugatan at dalawang high-powered FAs ang narekober.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang labanan sa ngayon sa Brgy. Ilalag, Maguing, LDS.

Mga tropa mula sa 5IB, 51th IB, at 55th IB ang nakikipaglaban sa nasa 40 DI-MG members sa ilalim ng grupo ni Abu Zacharia.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Phil Army 103rd Brigade katuwang ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala, layunin ng “close air support” na maprotektahan ang mga sundalo sa anti-personnel mines ng mga kalaban.

Pinawi ni Zagala ang pagkabahala ng mga residente sa nangyayaring operasyon sa lugar.

Nais aniya nilang matiyak na hindi mapamumugaran ng mga terorista ang lalawigan.

Ayon sa pamunuan ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang mga tropa mula sa 103rd Brigade under Bgen Jose Maria Cuerpo II nagsagawa ng law enforcement operations kasama ang Philippine national Police (PNP) laban isis inspired terrorist groups sa kabundukan ng Maguing, Lanao del Sur.

Nang marating ng mga tropa ang kanilang target, nagbigay ng close air support ang fighter jet ng PAF ang FA 50 sa mga tropa para protektahan ang mga ito laban sa naka tanim na enti-personnel mines ng mga kalaban.

Sa ngayon nananatili pa rin sa area ang mga tropa at nakikipaglabanan sa mga terorista.

Nanawagan naman ang militar sa mga residente na huwag maalarma sa air strike ng Phil Air Force dahil ang kanilang ginagawa ay para mapanatiling safe and free mula sa teroristang grupo ang Lanao del Sur at buong rehiyon.