CAUAYAN ITY – Tatlo nang mga convicted criminal ang nakalaya dahil sa good conduct time allowance ( GCTA) law sa 2 himpilan ng pulisya sa Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, boluntaryong sumuko sa Bayombong Police Station si Lauro Guyod, may asawa at residente ng Luna Street, San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Siya ay nakulong dahil sa kasong murder, homicide, double frustrated murder at grave threat.
Nakalaya lamang siya noong January 18, 2019.
Habang sumuko rin sa Bambang Police Station sina Manuel Antonio, 63, may asawa, isang magsasaka at residente ng Almaguer North, Bambang at si Vicente Antonio, 67, may asawa at residente ng San Antonio South, Bambang, Nueva Vizcaya.
Si Antonio ay nakalabas sa kulungan noong November 27, 2014 habang si Antonio ay nakalaya noong May 10, 2010.
Sila ay nakulong dahil sa kasong murder.
Ang dalawa ay nasa pangangalaga ng PNP Bambang.