-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos lumubog ang isang fishing vessel- sa Baganga Davao Oriental.

Ayon kay Coast Guard Lieutenant Junior Grade Elmar Mesina, Commander ng Coast Guard Station-Davao Oriental, base sa manifesto, mayroong 23 na crew ang sakay ng fishing vessel na Genesis 2 .

Sa nasabing bilang, tatlo na ang kumpirmadong nasawi, anim ang missing at 14 ang na-rescue.

Ayon dito ang operator ng nasabing fishing vessel gayundin ang mga tauhan nito ay mula sa Gensan.

Sa impormasyon, biglang lumakas ang alon maging ang hangin habang sila ay nasa laot na nagresulta sa paglubog ng bangkang pangisda. Ipinaalam na ng operator ng fishing vessel sa mga pamilya ng mga crew nito ang nangyari.