Tatlong anggulo ang tinitignan ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa motibo sa pagpatay kay Talitay, Maguindanao Mayor Abdul Wahab Sabal.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Debold Sinas na bumuo ba ngayon ng special investigation task group (SITG) ang Manila Police District (MPD) hinggil sa incidente.

Ang mga posibleng motibo sa insidente ay “rido” (clan war), pulitika, at illegal drugs.

Si Sabal ay kabilang sa narco-politicians nasa listahan ng drug watchlist ni Pang. Rodrigo Duterte.

Inakusahan din si Sabal na sangkot sa 2016 Davao City bombing.

Sa ngayon, wala pang Person of Interest ang NCRPO.

Sinabi ni Sinas na patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa pamilya ni Mayor Sabal.

Anumang impormasyon na ibibigay nila ay makatutulong sa imbestigasyon sa kaso.

Si Sabal ay tinambangan pagbaba ng sasakyan sa isang Hotel sa Maynila.