Naniniwala si 2019 Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados sa aniya’y power of visualization upang maibigay ang back to back win kasunod ni Catriona Magnayon Gray.
Ayon sa 23-year-old Cebuana beauty na tubong Zamboanga, abala siya sa pagsasanay “physically and mentally” kung saan may pagkakataong sabay pa silang naggi-gym ng kababayan at 2015 Miss Universe Pia Wutrzbach.
Naglalaan din ito ng oras na alamin ang mga balita mapa-sa local at international upang maging handa sa question and answer portion.
Sa ngayon aniya ay nasa isip lamang niya ang pagnanais na magtagumpay bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe ngayong taon, bagama’t wala pang official announcement kung saang bansa gaganapin.
“Visualize who you really want to be,” ani Ganados. “Consistently ask yourself if this is really what you want, the goals that you want. Then go for it! Take the leap of faith and then just trust yourself and be hardworking. Being hardworking goes a long long way.”
Tanging inanunsyo pa lamang ng Miss Universe Organization ay ang pagkakapili nila sa world-renowned luxury jeweler na Mouawad bilang crown sponsor ngayong taon.
Papalitan ng nasabing jewelry maker ang Mikimoto crown mula Japan na siyang kasalukuyang suot ni Catriona na umano’y nagkakahalaga ng $250,000 o katumbas ng P12.5 million.
Ang Mikimoto crown ay official sponsor ng Miss Universe mula 2002 hanggang 2007, at naibalik noong 2017 sa reign ni Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa.