Napatay ng isang Israeli forces ang tatlong miyembro ng Palestinian armed groups sa isang pagamutan sa West Bank.
Nagpanggap bilang medics ang undercover na sundalo ng Israel at pumasok siya sa Jenin hospital.
Nagpaplano umano ng pag-atake ang nasabing mga Palestinian armed groups kaya agad nitong inunahan.
Inakusahan naman ng Palestinian Authority ministry of health ang Israel na nagsagawa ng panibagong massacre sa loob ng pagamutan.
Inamin ng Hamas na napatay nila ang tatlong fighters kasama ang isa nilang miyembro.
Habang ang Palestinian Islamic Jihad ay sinabing dalawa nilang miyembro ang nasawi at isang miyembro ang sugatan.
Iikinabahala naman ng The International Committee of the Red Cross (ICRC) ang insidente kung saan dapat ay irespeto at laging protektahan ang mga pagamutan at mga pasyente.