-- Advertisements --

Maglalaan ang Philippine National Police (PNP) ng hanggang tatlong minuto sa pagresponde sa mga nangyayaring krimen sa mataong lugar.

Sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. na kaniyang naobserbahan ang nasabing konsepto noong siya ay bumisita sa Quezon City noong nakaraang mga araw.

Dagdag pa nito na kapag kayang maisagawa ito sa Metro Manila ay tiyak na mababawasan na ang kaso ng krimen.

Ipinagmalaki nito na sa unang apat na buwan ng taon ay bumaba ang crime rate ng 11.36 % kumpara sa parehas na buwan noong nakaraang taon.