Reading Time: 1 minute

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong act of lasciviousness ang isang bading matapos umano nitong molestiyahin ang tatlong menor de edad sa Oyo Torong Street, Kalibo, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Jonel Espinosa, 31-anyos na residente ng naturang lugar.

Ayon sa isang saksi na hindi na nagpabanggit ng pangalan, habang naliligo siya sa ilog ay nakita niya ang suspek na pinagsasamantalahan ang mga biktima.

Kaagad nitong pinagbigay-alam sa ina ng isa sa mga biktima ang kanyang nakita at naaktuhan din mismo ng ina ang kahalayang ginagawa ni Espinosa.

Samantala, inamin naman ng suspek ang pangmomolestiya sa mga menor de edad subalit iginiit nito na dalawa lamang ang kanyang nagalaw.

Ayon sa kanya, nagawa niya lamang ito dahil na rin sa “tawag ng laman” at mismong mga bata na ang nag-aya sa kanya.

Napag-alaman na nakulong na rin dati si Espinosa sa parehong kaso.