-- Advertisements --

Patay ang tatlong miyembro ng kilalang “Pacia Kidnap-for-Ransom Group” matapos matunton ng mga tauhan ng pulisya sa Cavite nitong araw.

Ayon kay Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) spokesperson police Lt. Col. Elmer Cerreno, matagal ng nasa ilalim ng kanilang surveillance ang grupo matapos mabatid na may kasabwat itong sindikatong Chinese.

Batay sa ulat ng tanggapan, target daw ng mga grupo ang Chinese nationals, mayayamang personalidad at negosyante.

Sa bisa ng case build up at follow up investigation, natunton ang umano’y safehouse ng grupo sa bayan ng Indang.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si “Vince” na henchman ng sinasabing lider na isang PO3 Magdaleno Pacia.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang isang sasakyan na Suzuki Ertiga, M-16 rifle, bereta pistol at calibre-.45 pistol.

Kilala ang Pacia group na nasa likod ng mga insidente ng pagdukot sa Chinese national sa Metro Manila.