-- Advertisements --

Bumuo na si Justice Secretary Menardo Guevarra ng three-member panel of prosecutors na muling mag-iimbestiga sa tinaguriang ninja cops.

Ang naturang panel ay binigyan ni Guevarra ng 30 araw para kumpletuhin ang kanilang imbestigasyon sa reklamong inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Partikular dito ang preliminary investigation sa kaso ni Police Major Rodney Baloyo at mga tauhan nito na sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

Ito ay makaraang lumutang sa Senate hearing ang mga bagong ebidensiya kaugnay sa tinaguriang mga Ninja Cops.

Sinasabing nasa 200 kilos ang nakumpiskang shabu pero 38 kilos lang daw ang idineklara ng grupo ni Baloyo.