-- Advertisements --

Tatlong manlalaro ng Orlando Magic ang inilipat na ibang koponan.

Kinabibilangan ito nina All-Star Center Nikola Vucevic, guard Evan Fournier at forward Aaron Gordon.

Kapalit nina Al-Farouq at Vucevic sina Otto Porter, Wendell Carter Jr ng Chicago Bulls at ang first round picks sa 2021 at 2023.

Habang si Fournier ay inilipat sa Boston Celtics para sa dalawang second-round draft picks.

Inilipat naman si Gordon at Gary Clark sa Denver Nuggets para kay Gary Harris at R.J. Hampton at first-round draft pick.

-- Advertisement --

Sina Vucevic , Fournier at Gordon ang tatlo sa starting line up ay mayroong combination average points na 58.8 points sa season.

Ang 30-anyos na si Vucevic ay 16th overall pick ng Philadelphia 76ers noong 2011 ay mayroong average na 24.5 points per game.

Ang 25-anyos na si Gordon na siyang pangpitong season na sa NBA mula ng kunin siya ng Magic sa No.4 overall 2014 draft ay mayroong average na 14.6 points, 6.6 rebounds at 4.2 assists.