CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang tatlong magkakapatid ng malason sila sa kinaing isda sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga nasawi na sina Sammer Mipantao, 12 anyos,mga kapatid na sina Fahad,10 at Turon apat na buwang gulang habang anim naman sa pamilya nito ang na-ospital na mga residente ng Brgy Karim Buldon Maguindanao.
Ayon kay Buldon Municipal Office (MHO) Officer Dr Elly Eluna na bumili ng isdang tayang ang ina ng mga bata sa pamilihang bayan at kanilang inulam sa tanghalian.
Makalipas ang ilang oras ay nakakaranas na ito ng sakit ng tiyan,nagsusuka at LBM.
Naisugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit binawian ng buhay.
Anim pa sa pamilyang Mipantao ang nanatili sa pagamutan sa lungsod ng Cotabato at nagpapagaling.
Dagdag ni Dr Eluna na posibling sa isdang tayang o kaya sa tubig na ininom ng mga biktima kung saan nakuha nila ang severe diarrhea.
Nagpaabot na rin ng tulong si Buldon Mayor Abolais Manalao sa pamilya ng mga biktima.
Sa ngayon ay patuloy na nag-iimbestiga ang MHO-Buldon at IPHO-Maguindanao sa naturang pangyayari.