-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang tatlong katao sa pananambang sa Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina Ali Abdulrahim Tamal, asawa nya na si Norma Dalimbang Sapi Tamal at ang kanilang anak na si Abuddy Sapi Tamal, 8, mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Cotabato City police director Colonel Rommel Javier, lulan ang mga biktima sa isang Toyota Vios na may plakang NEG-7303 sa bahagi ng Jeremiel Street tapat ng LR Sebastian Elementary School Barangay Rosary Heights 11 nang bigla silang paputukan ng mga hindi kilalang suspek sakay ng Isuzu Sportivo gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na sila umabot ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa mga biktima.