Kulungan ang bagsak ng tatlong kalalakihan matapos maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Banding sa bayan ng Pozorrubio.
Ayon kay P/Maj. Zynon Paiking ang siyang Chief Of police ng Pozorrubio PNP na matapos aniya ang pagdulog sa kanilang himpilan ng isang religious sector sa lantarang pagbebenta ng ilegal na droga, ay matagumpay ang ikiansang ang anti ilegal drug operation kung saan arestado ang dalawang lalaki na residente ng nabanggit na lugar at isang lalaki na residente ng Brgy Ubagan Sto Tomas, La Union.
Aniya isa sa mga suspek ay isang criminology student sa isang unibersidad sa Easter Pangasinan na edad 20 anyos habang isang contruction worker naman na edad tatlumpung taong gulang ang isa rito.
Dahilan umano ng estudyanteng suspek na dahil sa kahirapan at impluwensiya ng mga kaibigan kung kaya’t napasok ito sa kalakaran ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
Nakumpiska umano mula sa kanila ang anim na pakete ng hinihinlaang marjuana leaves at dalawang pakete ng hinihilaang shabu.
Dagdag pa ng naturang opisyal na dalawa rito ay pawang mga drug surrenderers noong taong 2017.
Patuloy naman aniya ang kanilang imbestigasyon sa mga taong nagsusplay sa kanila ng naturang ilegal na dorga gayundin din sa mga parokyano nila sa probinsya.
Ang nasabing mga suspek naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na kasalukuyang nakapiit sa himipian ng Pozorrubio PNP para sa watong dokumentoasyon at disposisyon.
Nagpapasalamat din si Paiking sa naturang barangay na patuloy din ang koordinasyon sa kanila upang mapigilan ang pagkalat ng kalakaran sa ilegal na droga
Samantala nanawagan naman ito sa publiko na makipagugnayan sa kanilang himpilan hinggil sa mga kaugnay na mga isyu.
Payo din nito sa publiko na maging maingat ang mga bumbiyaheng motorista lalo na’t may mga naitatalang aksidente sa kakalsadahan ngayong tag-ulan.