NAGA CITY- Arestado ang tatlo katao matapos ang isinagawang anti-illegal drug operations ng mga otoridad sa Brgy. Mancruz, Daet Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina Francis Camacho, Glenn Galicia at Shelley Pacifico mga residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, sinasabing narekober sa mga suspek ang mahigit walong plastic ng pinaniniwalaang shabu at iba ang drug paraphernalia.

Kaugnay nito, agad namang naaresto ang mga ang mga suspek.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito maging ang pag-alam sa supplier ng mga ito.