Nailigtas ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) ang tatlong babaeng sinasabing biktima ng human trafficking.
Tinangka umanong lumabas ng bansa ang mga biktima na nagpanggap na mga seafarers.
Sa report na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. na ang mga pasahero ay naharang sa CIA bago pa man makasakay sa kanilang flight patungong Dubai.
Ayon kay Manahan iprinisinta ng tatlong babae ang mga pekeng dokumento na nagsasabing sila ay mga seafarers na malapit nang sumakay sa kanilang vessel sa port ng United Arab Emirates(UAE).
Pero nang usisain, dito daw lumabas na hindi talaga seafarers tatlong babae kundi iligal ang mga itong na-recruit para magtrabaho bilang domestic helpers sa emirate.
Dagdag ni Manahan, bagamat nagprisinta ang tatlong biktima ng overseas employment certificates (OECs), seaman’s books, employment contracts, letters of guarantee mula sa umano’y kanilang employer at entry visa sa Dubai.
Nang ito’y beripikahin, lumalabas na ang lahat ng kanilang mga dokumento ay invalid.
“When asked about details on how they acquired their documents, they gave highly inconsistent statements, which prompted the immigration officers to investigate further,” ani Mahanan.
Lumalabas na dati na ring nagtrabaho bilang household service workers saUAE at Saudi Arabia ang dalawa sa tatlong babae.