CDO inmate dance

CAGAYAN DE ORO CITY – Mabigat na parusa ang kakaharapin ng tatlong inmates na umano’y kumuha ng video ng kanilang kasamahang bilanggo na nagsasayaw na hubot hubad sa isang selda sa loob ng Misamis Oriental Provincial Jail (MOPJ).

Nag-leak ang nasabing video matapos magkomento at kinuwestyon ng mga viewers kung bakit nakakapasok ang mga kontrabando kagaya ng mga cellphone sa mga piitan.

Giit naman ni MOPJ assistant jail warden Maricris Mulat na kaagad niyang ipinatawag ang mga jail officers na naka-assign sa pagbabantay ng mga nasangkot na inmates sa kontrobersyal na video.

Aniya, kaagad ipinabartolina ang apat na inmate, kasama na ang umano’y direktor at uploader ng kinokonsiderang pornographic video.

Tumanggi munang pangalanan ng opisyal ang mga nadawit na mga inmates.