-- Advertisements --

Bumiyahe muli patungong Vatican, Rome ang tatlong Filipino cardinal para dumalo sa unang extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Leo XIV.

Ang consistory ay ang pormal na pagpupulong ng College of Cardinals na ipinapatawag ng Santo Papa para mapag-usapan ang maayos na pamamahala sa Catholic Church.

Kahapon (Jan. 5), bumiyahe na sina Manila Archbishop, Cardinal Jose Advincula, Kalookan Bishop, Cardinal Pablo Virgilio David; at Cardinal Orlando Quevedo, archbishop emeritus ng Cotabato, patungo sa Vatican.

Nakatakdang magsimula ang consistory bukas, Enero-7 at magtatagal hanggang Enero-8.

Habang nasa Vatican, inaasahang makikibahagi rin ang mga Filipino cardinal sa closing Mass ng Ordinary Jubilee of 2025 na pangungunahan ng Santo Papa ngayong araw sa St. Peter’s Basilica.

Sasamahan sila ni Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang naka-base sa Rome dahil sa kaniyang papel bilang pro-prefect of the Dicastery for Evangelization.