-- Advertisements --
Magsasama- sama ang mga diva sensation na sina, Kuh Ledesma, Concert queen Pops fernandez at Queen of soul na si Jaya na magperform sa isang concert sa Coachella California sa US November 12.
Ayon sa 3 Divas, excited na umano sila na magperform lalo na’t ito ang una nilang pagtatanghal na sa ibang bansa pa gaganapin.
Nakaramdam man ng pressure, dahil hindi magkakasama ang singers para mag rehearse, gagawin raw nila ang best nila para sa mga audience na nagaabang sa kanilang performance.