Tila magsisilbing Father’s Day gift kay Sen. “Bong” Revilla Jr., sakaling makalabas na ng ospital ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr.
Nabatid na halos tatlong linggo na ang nakakaraan mula nang isugod sa ospital ang ngayo’y 93-year-old former celebrity politician matapos mahirapan sa paghinga.
Kagabi ay muling nadalaw ng kanyang pamilya si Revilla Sr., kung saan hindi pa ito fully recovered kahit nasa stable condition na.
Noong nakaraang linggo nang alisin na ang nakakabit na ventilator sa nakatatandang Revilla, at mula sa intensive care unit (ICU) ay inilipat na ito sa regular room.
Sa darating na June 21 o ang third Sunday ngayong buwan, ang Father’s Day celebration.
Taong 2015 nang unang maospital si Revilla Sr., at kinailangang ma-confine sa ICU dahil sa aspiration pneumonia.
Si Revilla Sr., ay naging senador mula 1992 hanggang 2004 at minsan ding naging award winning actor para sa mga hit movies na “Nardong Putik,” “Pepeng Agimat,” at iba pa.