GENERAL SANTOS – Nadagdagan ng dalawang kaso sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang probinsya sa Sarangani ito base sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health Region 12 (DoH-12).
Naitala ang tig-isang kaso sa munisipyo ng Maasim at Malungon na kapwa locally stranded individual (LSI) na dumating noong Hulyo 2, 2020 sakay sa iisang flight mula sa Manila.
Ayon kay Malungon Mayor Tessa Constantino na isang lalaki ang umuwi ng Malungon Sarangani subalit kahapon lumabas ang resulta ng swab test at kaagad dila sa isolation facility ng probinsiya.
Ganoon din ang nangyari sa isang residente ng Maasim Sarangani na kasamang dumating sa nasabing petsa na isa ring SLI na nasa isolation facility na rin.
Pawang nagnegatibo umano ang mga ito matapos sinailalim sa 14 days quarantine sa Luzon kayat lumipas patungong Mindanao.
Hindi rin nawala ang pagdududa na nakuha ng mga ito ang virus habang pinoproseso ang pagsakay ng eroplano.
Hulyo 2, 2020 din dumating sa General Santoc ang ika-anim na nagpositibo sa COVID-19 na sakay din sa nasabing flight.