-- Advertisements --

Nakabalik na sa mundo ang tatlong Chinese astronaut matapos ang anim na buwang pananatili sa kalawakan.

Lumapag sa Gobi Desert sa northern China ang capsule na lulan nina commander Chen Dong at mga astronauts na sina Liu Yang at Cai Xuzhe.

Kinumpleto kasi ng mga astronaut ang pagsasagawa ng Tiangong station na sumisimbolo sa pangarap ng China ng kanilang space program.

Sinuri sila ng mga doctor matapos ang paglapag at lahat aniya ay nasa mabuting kalagayan.

Bahagi sila sa Shenzhou-14 mission na inilunsad noong Hunyo kung saan nagsagawa ang mga ito ng tatlong spacewalks at ilang mga experiments.