-- Advertisements --

Arestado ang tatlong bumbero dahil sa pangingikil sa lungsod ng Navotas.

Sinabi ni Police Col. Rolando Balasbas, hepe ng Navotas Police, isang Senior Fire Officer 2 at dalawang Fire Officer 1 na nakatalaga sa kanilang lugar ang naaresto.

Nagbunsod ang operasyon ng magtungo sa kanilang opisina ang biktimang si Jessei Que matapos na hingian siya ng mga suspek ng P100,000 kapalit ng permit na hinihingi nito.

Dahil dito ay nagkasa agad ng entrapment operations ang mga kapulisan.